P5,000 tulong-pinansiyal, ibibigay ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Yolanda.

yolanda-taclobanMagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng limang libong tulong-pinansiyal sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Yolanda.

Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 3, sakop ng naturang tulong pinansiyal ang mga biktima na hindi nakatanggap ng Emergency Shelter Assistance (ESA) mula sa gobyerno

Noong ikatlong anibersaryo ng Yolanda noong Nobyembre, inapela ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa dalawang daang libong survivors ang hindi pa nakakatanggap ng ESA.

Kasabay nito, ipinangako ng pangulo ang naturang tulong-pinansiyal para sa pagsasaayos ng kanilang mga bahay.

Magmumula ang limang libong pisong tulong sa isang bilyong pisong pondo sa Socio-Civic Projects Fund ng Office of the President.

Saklaw nito ang mga naapektuhang lugar sa Region VI, VII, at VIII at Negros Island Region.

Samantala, direkta itong ibibigay sa pamamagitan ng cash card na ilalabas ng Land Bank of the Philippines.

Read more...