Ngunit ayon kay Recto, dapat higit pa sa pagaalis ng water lilies sa Pasig River ang layon ng naturang plano.
Aniya dapat ay paghahanda na ito sa pagbabalik ng Pasig River Ferry Service na mula Intramuros sa maynila hanggang sa Pasig City.
Banggit ni Recto may hirit ang Department of Transportation (DOTr) sa kongreso na P2.7 billion para sa rehabilitasyon ng Pasig River Ferry na layon makatulong para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.
Kahapon ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala sa kanya sa Malakanyang ang 387 pulis dito sa Metro Manila para maging Enviromental Police sa Pasig River.