Bong Revilla, humiling muli ng furlough sa Sandiganbayan

Bong-Revilla-21Muling humirit si dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ng furlough sa Sandiganbayan.

Ito ay para naman sa nakatakdang operasyon ng kanyang ama na si dating Senator Ramon Revilla Sr.

Sa kanyang urgent motion na inihain sa Sandiganbayan 1st division, hiniling ni Revilla Jr. na payagan siyang makalabas ng kanyang detention cell sa Philippine National Police o PNP sa February 8 (6AM hanggang 12NN) at February 9 (2PM hanggang 8PM) upang makapunta sa operasyon ng tatay niya.

Si Revilla Sr. ay nakatakdang sumailalim sa transarterial aortic valve replacement sa St. Lukes Medical Center, bukas ng umaga.

Matatandaang nagrequest na noon si Revilla Jr. ng furlough para madalaw ang kanyang amang may sakit, na pinagbigyan naman ng anti-graft court.

Si Revilla Jr. ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa Pork Barrel scam.

Read more...