Ito aniya ay hangga’t hindi bumabalik sa tamang huwisyo ang mga rebelde.
Kasunod nito ay binalaan rin ni Duterte si Sison sa pagbalik dito sa Pilipinas, dahil tiyak aniyang sa kulungan siya mauuwi kapag umuwi siya sa bansa, mula sa Netherlands.
Matatandaang sa simula ng kaniyang pamumuno, nagpahayag ang pangulo ng kahandaan na makapulong ang pinuno ng komunistang grupo.
Kamakailan lang ay nagdesisyon si Pangulong Duterte na ihinto na ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines, kasunod ng pag-bawi rin niya ng unilateral ceasefire ng pamahalaan sa New People’s Army.