Cabinet members na makakaliwa, hinamong kumalas na sa Duterte admin

Inquirer file photo

Hinahamon ni Akbayan PL Rep. Tom Villarin ang mga makakaliwang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Dutete na mag-isip-isip kung dapat pa ba silang manatili sa administrasyon.

Kasunod ito nang nakanselang peacetalks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Paliwanag ni Villarin, nominated ng CPP-NDF ang mga makakaliwa sa gabinete kaya nakapasok ang mga ito sa gobyerno.

Pero ngayong balik-tensyon na ang NPA at ang pamahalaan, maa mabuti aniyang pag-isipan ng mga leftist cabinet members kung nararapat pa ba silang magpatuloy sa paglilingkod sa administrasyong Duterte o umalis na sa posisyon.

Pasaring pa ni Villarin, mahirap namang mamangka sila sa dalawang ilog.

Hindi nagbanggit ng mga pangalan ang kongresista pero kabilang sa kilalang makakaliwa na nasa gabinete ngayon ay sina DAR Sec. Rafael Mariano, NAPC Chairperson Liza Maza, DSWD Sec. Judy Taguiwalo at Presidential Commission For The Urban Poor Chairman Terry Ridon.

Read more...