Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, mismong si Gerardo Santiago ang nag-nais na maalis na siya sa kustodiya ng ahensya.
Dahil wala namang arrest warrant laban sa kaniya, pinayagan siya ng NBI na umalis, ilang araw matapos sabihin ni Santiago na may mga nagbabanta sa kaniyang buhay kahit noong siya pa ay nasa ibang bansa.
Paliwanag naman ni Aguirre, hindi niya tiyak kung bakit nagdesisyon si Santiago na gawin ito, o kung wala na bang banta sa kaniyang buhay.
Tanging ang kaniyang alyas na “Ding” rin lamang ang nakalagay sa kasong kidnapping for ransom laban sa mga umano’y pumatay sa Koreanong negosyante.
Matatandaang nagpasailalim sa kustodiya ng NBI si Santiago dahil ayon sa kaniya, may dalawang grupo na nagbabanta sa kaniyang buhay oras na bumalik siya mula sa Canada.