Ayon kay dela Rosa, hindi pa ito ang opisyal na anggulong sinusundan ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang kaso.
Batid naman ni Dela Rosa na may mga kompetisyon talaga sa loob ng Korean community, ngunit hindi pa nila nae-establish ang nasabing posibilidad dahil narinig lang niya ito at wala pa siyang mga impormasyon ukol dito.
Aniya pa, nalaman lang niya ito mula sa reporter na nakuha ang impormasyon mula sa isang source na retired general, ngunit ayaw naman itong pangalanan.
Ayon pa kay Dela Rosa, pilit na isinusubo sa kaniya ang naturang Korean mafia theory para sumang-ayon siya ngunit iginiit niyang sa ngayon ay hindi pa nila ito maiku-konsidera.
Kasabay nito ay nanawagan rin si Dela Rosa sa publiko na ihiwalay ang mga teorya ng PNP at NBI na base sa kanilang imbestigasyon, mula sa mga haka-haka ng ibang tao tulad ng mga retiradong opisyal.
Sa ngayon aniya ay naniniwala sila na posibleng extortion ang dahilan ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.