Rizal Alih, patay na sa idad na 70 taong gulang

rizal alih
Inquirer file photo

Patay na si ex-Patrolman Rizal Alih, ang dating pulis na nakilala sa Camp Cawa-Cawa Siege sa Zamboanga City noong 1989.

Kinumpirma ng Philippine National Police na binawian ng buhay si Alih sa idad na 70 sa kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame nitong Biyernes ng gabi.

Sa impormasyon mula sa PNP, “complication related to age” ang ikinamatay ni Alih.

Si Alih ang nanguna sa pagsalakay sa Camp Cawa-Cawa noong Enero ng 1989 at hinostage si General Eduardo Batala, ang chief-of-staff nitong si Col. Romeo Abendan at maraming iba pa.

Bukod sa Cawa-Cawa Siege, napiit si Alih dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Zamboanga City Mayor Cesar Climaco noong November 1984.

Nakulong din si Alih sa Malaysia dahil sa kasong pag-patay bago inilipat sa Custodial Center ng PNP. / Jimmy Tamayo

Read more...