Mapapa-aga ang pag-pasok sa bansa ng bagyo na kasalukuyang nasa ibabaw ng Federal State of Micronesia ayon sa latest Global Dynamic Forecast Model na inilabas ng weather.com.ph.
Ang naturang sama ng panahon na tatawaging “Ineng” ay inaasahang papasok sa bansa sa pagitan ng Martes at Miyerkules (August 18-19).
Sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng PAGASA kaninang alas-singko ng umaga namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 2,650 kilometers silangan ng Eastern Visayas o may layong 1,595 kilometers mula sa Philippine Area of Responsibility.
Mabagal pa rin ang pagkilos ng sama ng panahon sa 7-kilometers per hour pero napanatili nito lakas na 45 kph malapit sa gitna at pagbugso na 65 kph at inaasahan pa lalakas ito habang nasa ibabaw ng karagatan ang naturang bagyo.
Samantala, isa na ring ganap na bagyo ang unang namataang Low Pressure Area (LPA) sa Eastern Micronesia. Pero sa ulat ng PAGASA walang indikasyon na ito ay papasok sa Philippine Area of Responsibility at ang direksyon na tinatahak nito ay ang southern portion ng Japan. / Den Macaranas