MRT 3 prototype train dumating na sa bansa

11889031_10206181477071050_1988033155_o
File photo from Atty. Migs Sagcal

May dumating ng isang prototype unit ng mga brand new trains ng Metro Rail Transit (MRT) 3 sa bansa.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang bagong light rail vehicle (LRV) ay dumating sa Port of Manila kaninang ala 1:00 ng madaling araw. Bahagi ito ng halos 50 brand new trains na binili para sa MRT 3.

Sinabi ni Atty. Michael Sagcal na dadaan sa importing procedures ang mga bagong bagon na posibleng tumagal ng isang linggo. “Prototype of the new MRT 3 coaches is now at the port of Manila. It will undergo importing procedures, and should be released in one week’s time,” ayon kay Sagcal.

Galing ng Dalian, China ang nasabing bagon. Ang mga engineers mula sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company magbubuo ng prototype train sa depot ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 bago dalhin sa MRT 3 depot sa North Edsa sa Quezon City.

Ang testing sa static at dynamic ng brand new na LRV ay isasagawa hanggang sa buwan ng Nobyembre at kung tutugma ito sa kasalukuyang signalling, power at communications systems ng MRT 3 ang nalalabing 48 pang LRVs ay ipapadeliver na rin sa buwan ng Enero.

Noong January 2014, iginawad ng bids and awards committee ng DOTC sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Co. Ltd. CNR Group ng China ang pag-suplay sa 48 LRVs para sa MRT 3.

Nagkakahalaga ng kabuuang P3,759,382,400 ang nasabing mga tren./ Dona Dominguez – Cargullo

Read more...