Dismayado si Stop and Go Transport Coalition President Jun Magno dahi walang napagkasunduan ang kanilang hanay at ni LTFRB Chairman Martin Delga tungkol sa kanilang kagustuhan na mawalan ng bisa ang kautusang ma-phaseout ang mga lumang jeepney.
Ayon kay Magno, dahil sa nawalang nangyari ay kanilang pulong ay paghahandaan nila ngayon ang kanilang tinatawag na stage 2 o kanilang kinakasang mas malaking tigil-pasada na siyang mas magpaparalisa sa mga pampasaherong mga jeepney sa buong Metro Manila.
Aniya ang ibang transport group na hindi sumama sa nasabing tigil pasada ay ang mismong proponent sa kanilang mga tinututulan na jeepney phaseout.
Dagdag pa ni Magno, matapos ang kanilang dayalogo sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na siyang kanilang ikinadismaya ay binigyan na niya ng discretion ang mga jeepney drivers at operators kung papabalikin na nila ang mga ito sa mga lansangan para pumasada.
Ipinagyabang rin ni Magno na umabot sa 80-percent ng public transport sa Metro Manila ang kanilang naparalisa at wala rin umano silang hinaras o pinigilang pumasada sa hanay ng mga tsuper.