Naisumite na ng National Police Commission (Napolcom) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigayon laban sa mga tinaguriang narco-generals.
Ito ang kinumpirma ni Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao nang dumalo ito sa ika-26 na taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Nationa Police (PNP) sa Camp Crame.
Tikom naman ang bibig ng opisyal sa kung ano ang kanilang naging findings laban sa mga narco-generals at bahala na umano si Pang Duterte na ianunsyo ito.
Matatandaan, inimbestigahan noon ng Napolcom ang tatlo sa limang tinaguriang narco-generals na sina dating NCRPO Director Joel Pagdilao, QCPD Director Edgardo Tinio at CSupt. Bernardo Diaz.
Hindi naman na nagawa pang maimbestigahan ng Napolcom sina Retired Generals Marcelo Garbo at Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot dahil hindi na sila sakop ng kanilang hurisdiksyon.