Duterte sa AFP: Bahala na kayo sa mga miyembro ng NPA

NPA members
Inquirer file photo

Hindi na pakikialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong military tactics ang gagawin ng Armed Forces of the Philippines laban sa New Peoples Army (NPA).

Ito ay matapos bawiin na ng pangulo ang ceasefire at alok na peace talks sa makakaliwang grupo.

Ayon sa pangulo, bahala na ang AFP sa pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army na tintawag na rin niya ngayon bilang isang teroristang grupo.

Ang malinaw aniya na gagamitin ng AFP ang lahat ng kagamitan nito kasama na ang air assets sa pagtugis sa NPA.

Aminado ang pangulo na nanghihinayang siya na naudlot ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng rebeldeng grupo.

Nauna na ring iniutos ng pangulo ang paghuli sa mga consultants ng komunistang grupo.

Read more...