Dating Caloocan City Mayor Boy Asistio pumanaw na

Ynna1
Instagram Photo: Ynna Asistio

Namatay na si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio sa edad na 80.

Sinabi ni Nadia Montenegro, partner ng dating alkalde, na namatay si Asistio sa kaninang 10:55 ng umaga sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center.

Ayon sa mga naunang ulat, noong nakaraang Miyerkules ay inatake sa puso si Asistio kaya kaagad itong isinugod sa nasabing pagamutan.

Naulila ni Asistio ang kanyang dalawang anak na babae kay Nadia na sina Ynna at Alyanna.

Si Asistio ay naglingkod bilang alkalde ng Caloocan City noong 1980 hanggang 1986 at muli noong 1988 hanggang 1995.

Noong 2013 ay muli siyang kumandidato pero natalo siya kay Mayor Oscar Malapitan.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa burol at libing ng dating alkalde.

Read more...