Ito ay kaugnay sa kampanya ng pambansang pulisya sa iligal na droga.
Sa talumpati ng kalihim sa ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP sa Camp Crame, iginiit ng opisyal na seryoso ang problema na kinakaharap ngayon ng PNP bunsod na rin ng mga nakalipas na kontobersya na kinsasangkutan nito.
Gayunman, sinabi ng kalahim na matibay ang kanyang paniniwala na malalagpasan din ito ng kapulisan.
Kumbinsido rin si Sueno na kahit pa pansamantalang inihinto ng PNP ang kanilang Oplan Tokhang, hindi naman ito makakabawas o makakababa sa morale ng mga pulis dahil magsisilbi umano itong hamon para sa kanila.
Nakikitaan rin aniya ng ‘wisdom’ ng kalihim ang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng re-strategy ang pamahalaan para malabanan ang iligal na droga.
Maari rin ayon kay Sueno na samantalahin ang pagkakataon na ito para pagnilayan ng PNP ang mga pagkukulang o pagkakamali nila sa kanilang mga operasyon.