Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24-oras, hihina pa lalo at magiging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang ang bagyo.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 595 kilometers East of Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong North Northeast.
Sa kabila ng paghina ng bagyo, sinabi ng PAGASA na delikado pa rin pa rin para sa mga sasakyang pandagat ang bumiyahe sa Northern Seaboard ng Northern Luzon at sa Eastern seaboards ng Southern Luzon at Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES