NDFP consultants, protektado laban sa muling pag-aresto sa ilalim ng JASIG -Agcaoili

 

Inquirer file photo

Hindi maaring muling arestuhin ang mga pinalayang lider at consultant ng National Democratic Front of the Philippines.

Ito ang paggiit ni Fidel Agcaoili, tagapagsalita ng NDFP.

Paliwanag ni Agcaoili, sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee o JASIG, protektado sa muling pag-aresto ang kanilang mga kasamahan.

Ito aniya ay umiiral simula pa noong 1995.

Ipinaliwanag pa ni Agcaoili na lahat ng NDF consultants na dumalo sa peace talks sa Rome, Italy noong January 19 hanggang 25 ay nakabalik na sa bansa noon pang January 31.

Lahat rin aniya ng 17 pinalayang consultans na pinalaya noong August 17, 2016 ay nasa bansa na at hindi nagtatago sa batas.

Nasa hurisdiksyon rin aniya ng korte ang 17 consultants makaraang makapagpiyansa noon.

Matatandaang nitong Sabado, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling suspensyon ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP at pinababalik na ang mga lider nito sa kulungan matapos ang pagpaslang ng mga rebelde sa 3 sundalo kamakailan sa Mindanao.

Kapwa na rin iniatras ng magkabilang kampo ang umiiral na ceasefire.

Read more...