NDFP, handang ipagpatuloy ang peace process

 

Nananatiling bukas ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan kasama ang pamahalaan.

Ito’y sa kabila pa ng pag-anunsyo ni Pangulong Duterte ng pag-atras ng pamahalaan sa peace talks, sunod sa pag-bawi niya rin ng unilateral ceasefire ng pamahalaan.

Ayon kay NDFP peace panel spokesman Dan Borjal, naniniwala siyang maari pa ring ipagpatuloy ang peace talks sa pagitan nila at ng pamahalaan kahit na walang umiiral na ceasefire.

Aniya pa, wala namang ceasefire na umiiral sa mga nagdaang administrasyon, pero nakalagda pa rin sila ng 10 mahahalagang kasunduan.

Muli namang binanggit ni Borjal na sinamantala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang unilateral ceasefire nang suyurin ng mga sundalo ang mga barangay para umano linisin ang mga ito mula sa impluwensya ng New People’s Army (NPA).

Samantala, sa February 10 na ang nakatakdang pagwawakas ng unilateral ceasefire ng NPA sa pamahalaan.

Read more...