Huwag nang ikalat ang pekeng ‘bomb memo’-NCRPO

 

Pekeng police memo, ayon Police Regional Office-Cordillera
Pekeng police memo, ayon Police Regional Office-Cordillera

Umapela ang Philippine National Police o PNP sa mga netizens na itigil na ang pag-share o pag-repost ng isang police memo ukol sa umano’y bantang pag-atake ng Abu Sayyaf Group o ASG sa SM Malls.

Sa isang statement, nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na walang ebidensya o impormasyon na nagkukumpirma sa nilalaman ng police memo.

Dahil dito, marapat aniya na huwag nang i-share o i-repost ang dokumento upang maiwasan na anumang takot.

Wala rin aniyang dapat ikabahala ang publiko, subalit makakatulong kung mananatili ang lahat na kalma at mapagmatyag.

Sa kabila nito, tiniyak ni Albayalde na hindi binabalewala ng PNP ang naturang ulat.

Pinalakas na umano ng PNP ang kanilang mga tropa hanggang sa police precinct level, at nagpakalat ng mas maraming mga pulis sa mga lansangan at paligid ng mga mall.

Sakali namang may kahina-hinalang aktibidad na nakita, sinabi ni Albayalde na agad itong i-report sa mga otoridad.

Read more...