Duterte, sinabihan si Baste na umuwi na sa kanyang mga anak

baste-duterteIbinulalas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa kanyang anak na si Sebastian “Baste” Duterte habang bumibista ito sa puntod ng kanyang magulang sa Davao City.

Inulit ni Duterte na nasasaktan siya kapag naririnig niya sa mga anak ni Baste ang pagsama ng loob nito sa kanya.

Malinaw ang mensahe ni Duterte sa pagkakataong ito na umuwi na si Baste at magkaroon ng oras sa mga anak nito.

Binigyang diin ni Duterte na ayaw lang niya na mawalan ng father figure ang kanyang mga apo.

Ipinaliwanag rin ni Duterte na wala siyang pagtutol sa mga buhay pag-ibig ng anak pero kanya itong pinaalalahanan sa kanyang mga responsibilidad sa kanyang mga anak.

Read more...