Medical mission sa Basilan, tuloy kasunod ng dalawang pagsabog na naganap dito

basilan01Dalawang bomba ang sumabog sa bayan ng Tuburan sa Basilan na kagagawan ng hinihinalang armed lawless group na sinubukang mapatigil ang isinasagawang joint medical and dental mission kahapon ng Sabado.

Naunang naganap ang isang pagsabog ng isang homemade bomb kaya agad na rumesponde ang mga sundalo na inspeksyunan ang lugar at ang pag-request sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) team para imbestigahan ang naturang pagsabog.

Kasunod nito, habang nagsasagawang imbestigasyon ang EOD ay may sumabog na pangalawang bomba ilang metro lang ang layo.

Nasugatan sa pagsabog ang isa sa mga ranger na kabilang sa clearing operation at ang driver ni Tuburan Mayor Dorie Kallahal, na nasa lugar para personal na inspeksyunin ang naturang insidente.

Sa kabila nito, hindi natinag at nagpatuloy ang nasabing medical mission na layong tulungan ang mga residente.

Read more...