Aniya mananatiling suspendido ang usapang pangkapayapaan hanggang walang mabigat na dahilan na magbibigay ng benipisyo sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni Duterte isang araw matapos kanselahin nito ang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa New People’s Army (NPA), ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Binigyan niya rin ng direktiba ang mga kinatawan ng pamahalaan na naging bahagi ng peace talks sa pagitan ng communist group sa Rome, Italy na bumalik na sa bansa.
Binigyan diin ni Duterte ang diumano’y kagustuhan ng komunistang grupo na magpatuloy ang sagupaan.
Nauna rito ay nagsabi din ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na handa silang bumalik sa labanan.