Tropical Depression Bising, napanatili ang lakas

Napanatili ng bagyong Bising ang lakas nito.

Sa inilabas na PAGASA bulletin alas onse kagabi, huling namataan ang bagyong Bising sa layong 440 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Nasa 11 kph ang bilis ng bagyo habang patungo sa Hilaga Hilagang Kanluran na direksyon.

Mamayang gabi ay inaasahan ang naturang bagyo ay nasa layong 435 kilometers Silangan ng Guian, Eastern Samar.

Nagbabala naman ang PAGASA sa mga maglalakbay sa eastern seaboard ng Southern Luzon, Visayas at Mindano dahil sa malalaking alon na dulot ng bagyong Bising.

Read more...