1 miyembro ng Abu Sayyaf patay sa sagupaan sa Basilan

Sumisip BasilanPatay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf habang tatlo ang sugatan sa isang engkwentro na naganap sa Sumisip, Basilan.

Ayon kay Capt. Ma. Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, naganap ang engwekntro sa pagitan ng mga sundalo at rebelde kaninang alas 5:00 ng umaga na tumagal ng labinglimang minuto.

Kabilang sa tatlong nasugatan ang isang sundalo at dalawang bandido.

Ang naka-engkwentrong grupo ng mga sundalo ay pinamumunuan nina Radzmil Jannatul at Katatuh Balaman.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng puwersa ng pamahalaan sa mga tumakas na kasamahan ng bandidong grupo./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...