Babae nagtangkang magpakamatay sa EDSA; tumalon mula sa overpass

MMDA Photo
MMDA Photo

Nagdulot ng matinding traffic sa kahabaan ng EDSA ang pagtalon ng isang babae mula sa overpass ng North Avenue.

Tumalon ang hindi pa nakilalang babae mula sa itaas ng overpass sa harap ng SM North EDSA at bumagsak ito sa ibabaw ng isang dumaraang kotse sa EDSA.

Dahil sa nasabing insidente, nagsikip ang daloy ng traffic sa kahabaan ng EDSA, dahil hinintay pa ang mga rumespondeng ambulansya para makuha ang bababe mula sa ibabaw ng kotse.

Dinala sa Quezon City General Hospital ang babae para magamot sa tinamo nitong sugat sa katawan.

Posibleng may diprensya umano sa pag-iisip ang nasabing babae.

 

Read more...