LPA sa Mindanao isa nang bagyo ayon sa PAGASA; pinangalanang ‘Bising’

BisingIsa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Silangang bahagi ng Mindanao.

Ang bagyo na pinangalanang ‘Bising’ ng PAGASA ang ikalawang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsbility (PAR) ngayong taon, matapos ang bagyong ‘Auring’.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 735 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Wala pa namang itinaas na public storm warning signal ang PAGASA pero ang nasabing bagyo ay magdudulot na ng pag-ulan sa mga lalawigan sa Mindanao.

Sa pinakahuling abiso ng PAGASA, kabilang sa mga lalawigang nakararanas na malakas na pag-ulan ay ang Surigao Del Sur, Surigao Del Norte, Dinagat Islands, Agusan Del Sur, Agusan Del Norte, Davao Oriental, Davao Del Norte, Compostela Valley at Sarangani.

 

Read more...