Ceasefire ng pamahalaan sa CPP-NPA, binawi na rin ni Pangulong Duterte

FB Photo / Jess Dureza
CPP-NPA and GRP peace talks | FILE PHOTO via Sec. Jess Dureza

Epektibo mamayang gabi (February 3), lifted na ang ceasefire ng pamahalaan sa Communist Part of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa dinaluhang ceremonial switch-on ng M’lang Solar Powered Irrigation System sa Cotabato.

Ayon kay Duterte, nakaparaming demand ng CPP-NPA. Kabilang aniya dito ang pagpapalaya sa 400 political prisoners.

Sinabi ng pangulo na kapag tumugon siya demand ng CPP-NPA, para na niyang binigyan ng amenstiya ang mga nasabing preso.

“Tonight, I will lift the ceasefire with CPP-NPA. CPP-NPA has to many demands,” ani Duterte.

Nakalulungkot ayon sa pangulo na inabot ng limampung taon bago makabalik sa usapang pangkapayapaan ang pamahalaan sa CPP-NPA at pagkatapos ay mistsulang nais ng nasabing grupo ng panibagong limapung taon.

Dagdag pa ng pangulo, ayaw naman niya na makipagpatayan sa mga rebelde, pero mga sundalo na ng pamahalaan ang pinapatay ng grupo.

Una nang nag-anunsyo ang CPP-NPA ng na babawiin na nila ang unilateral ceasefire nila sa pamahalan epektibo sa February 10.

 

Read more...