Motorcycle rider, sugatan sa aksidente sa Regalado Ave. sa QC

Kuha ni Rod Lagusad
Kuha ni Rod Lagusad

Isang motorcycle rider ang nasugatan matapos mabangga ng isang adventure na may plakang TBQ 399 sa bahagi ng Regalado Ave. sa tapat SSS branch sa qc.

Ayon sa mga nakasaksi, pa U-turn na ang adventure patungo sa direksyon ng SM Fairview.

Huminto umano ang ibang sasakyan para bigyang-daan ang pag-U turn ng adventure pero dumeretso ang motorsiklo.

Nasugatan ang hindi nakilalang driver ng motor.

Agad namang nakaresponde ang isang ambulansya na siyang magdadala sa biktima sa East Ave. Medical Center.

 

 

Read more...