Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao

Yellow Rainfall Warning

Story 11: Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao

Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan bunsod ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, alas 12:40 ng hapon, yellow warning level ang umiiral sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa nabanggit na mga lalawigan lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na pag-ulan naman ang nararanasan sa Bukidnon, Misamis Occidental, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Davao Del Norte, Davao City at Zamboanga del Norte.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang nasabing LPA sa Mindanao ay may tsansang maging isang ganap na bagyo pero hindi naman ito tatama sa kalupaan.

 

Read more...