Nagpalabas ng alert order ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga agricultural products na mula sa bansang India.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, inatasan niya ang kanyang mga opisyal sa 17 ports at sub-ports sa bansa na masusing bantayan ang pagpasok ng lahat ng uri ng agricultural products mula sa nasabing bansa.
Ito ay matapos na madiskubre na kabilang ang India sa pinagkukunan ng mga smuggled na red onions na ipinapasok sa Pilipinas.
Ito ayon kay Faeldon ay kasunod ng nakumpiskang labing isang container van ng sibuyas na nagkakahalaga ng P15 milyon.
Ani Faeldon, mula nang manungkulan siya sa BOC ay ngayon lamang niya nalaman na isa sa pinagkukunan ng mga sibuyas ang bansang India bukod pa sa China at ibang mga Asian countries.