Sagot ni Baste kay Pangulong Duterte: “Chill lang Pa,”

Baste“Chill lang Pa”.

Ito ang sagot ni presidential son Sebastian “Baste” Duterte matapos siyang masabon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng talumpati nito sa Davao City.

Sa kaniyang pahayag kahapon, sinabi ng pangulo na hindi na halos umuuwi si Baste nang makarelasyon nito ang aktres na si Ellen Adarna.

Dahil dito, napapabayaan na umano ni Baste ang kaniyang anak.

Kwento pa ni Pangulong Duterte, nang minsang tanungin niya ang bata kung sino ang mahal nito, ay sinabi nitong ang nanay lamang niya ang mahal niya.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Baste na paborito talaga siya ng kaniyang ama.

Sinabi rin ni Baste na nakalimutan ni Pangulong Duterte na binanggit na niya noon dito na siya at si Ellen ay hiwalay noon pang Disyembre.

Bagong Taon umano nang ikwento niya sa kaniyang ama ang break-up nila ng aktres.

 

Read more...