Ayon sa Phivolcs naganap ang pagyanig sa 31 kilometers North ng Baganga ala 1:46 ng madaling araw.
May lalim na 24 kilometers ang lindol at wala namang naitalang intensity ang Phivolcs bunsod ng nasabing pagyanig.
Samantala, alas 2:57 naman ng madaling araw ay naitala rin ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan naman ng Sarangani sa Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala sa 145 kilometers South ng Sarangani at may lalim lang na 3 kilometers.
Alas 4:29 naman ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Cortes sa Surigao Del Sur.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 8 kilometers ang lindol at wala ring naitalang intensity.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang magkakasunod na lindol./ Dona D