Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, handa silang magbigay ng buong kopya ng kanilang report para masiyasat ng mga senador at ng iba pang mga interesadong partido.
Sa kanilang isinagawang pag-aaral, kinapanayam ng AI ang 110 katao kabilang na ang mga testigo at pamilya ng mga napatay dahil umano sa iligal na droga.
Kinumpirma rin umano ng dalawang hired gunmen at isang pulis ang kanilang pag-aaral.
Bagaman handa silang humarap sa Senado para depensahan ang kanilang report, nanindigan naman ang AI na hindi nila iko-kompromiso ang pagkakakilanlan ng kanilang mga sources.
Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero na nagbabalak maghain ng resolusyon para maimbestigahan ang report ng AI, maari silang magsagawa ng executive session upang madepensahan naman ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang sarili sa akusasyong ito.