4 na opisyal ng NBI, sibak dahil sa Jee Ick Joo case

 

Screengrab/RTVM

Apat na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasibak na rin sa puwesto matapos mapangalanan na sangkot umano sa Jee Ick Joo kidnap-slay case.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nanguna sa mga na-relieve sa puwesto si NBI-NCR Director Ric Diaz at tatlo pang senior officials ng ahensya.

Kabilang dito sina Roel Bolivar, pinuno ng NBI Task Force on Illegal Drugs, NBI-Metro Manila head agent Darwin Lising at NBI deputy director for investigative services Jose Yap.

Si Diaz ay pinangalanan ni Supt. Rafael Dumlao bilang sangkot umano sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng South Korean.

Kinumpirma na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City na kanyang ipinag-utos ang pagpapahinto sa NBI na magsagawa ng mga anti-illegal drug operations.

Sinabi rin ng pangulo na nawalan na rin siya ng tiwala sa NBI matapos masangkot ang ilang tauhan sa Jee Ick Joo case.

Bukod sa PNP, magkakaroon na rin aniya ng ‘purging’ sa hanay ng NBI.

Read more...