Dahil dito, tuloy na lilitisin ng korte si Genuino para sa dalawang count ng kasong graft habang isang count naman kina King at Hernandez.
Ang naibasurang motion for reconsideration nina Genuino, King at Hernandez ay para sa naunang dismissal ng kanilang motion for judicial determination of probable cause.
Batay sa pasya ng mga mahistrado ng Special 3rd Division, walang merito at walang bagong argumento sa MR ng tatlong akusado.
Ang kaso ng mga dating PAGCOR officials ay nag-ugat sa umano’y iregularidad sa pagpapalabas ng 37 million pesos para sa training ng swimmers na lumaban sa 2012 Olympics.
Bukod sa hindi raw ito aprubado ng board ng PAGCOR, ang pera ay dapat direktang ini-release sa Philippine Sports Commission at hindi sa Philippine Amateur Swimming Association.
Napag-alaman din na ang parte ng pondo ay ibinayad umano sa Trace Aquatic Center na pag-aari ng pamilya Genuino, kaya nagmistulang self-dealing ang nangyari.