Matatandaang kamakailan ay nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order na nagbabawal sa pagpapapasok sa US ng mga mamamayan mula sa mga “countries of concern” kabilang ang bansang Iran, Iraq, Libya, Syria, Somalia, Yemen at Sudan.
Nilinaw ito ni mismo ng tagapagsalita ng US State Department na si Mark Toner, sa ngayon ay wala pa silang nakikitang dahilan para isama ang Pilipinas sa listahan ng kanilang “countries of concern.”
Ginawa ni Toner ang pahayag upang pawiin ang pangamba na baka higpitan na rin ng mga otoridad sa Amerika ang pagpapapasok ng mga Pilipino sa kanilang bansa.
Nangangahulugan ito na maari pa ring ipagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang mga planong pag-bisita, paninirahan at pagtatrabaho sa US.
Ayon pa kay Toner, dahil dito, welcome pa rin ang mga Pilipino na pumunta sa kanilang bansa.
Samantala, nilinaw naman ni Toner na ginawa lang ni Trump ang hakbang na ito para sa national interest ng US, at para protektahan ang seguridad at buhay ng mga American citizens o ng mga nakatira ngayon sa Amerika.