Saudi Aramco, magtataas ng presyo ng langis

 

Sa pambihirang pagkakataon, magtataas ng kanilang presyo ng ibinebentang langis ang kumpanyang Saudi Arabian Oil Co. o Saudi Aramco.

Ang Saudi Aramco ang kumpanyang pag-aari ng Kaharian ng Saudi Arabia na pinagmumulan ng halos 100 porsiyento ng ibinebentang langis ng naturang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Una rito, nangako ang Saudi Arabia na babawasan ang produksyon ng langis kasabay ng iba pang mga malalaking petroleum producing countries na kasapi ng Organization of Petroleum Exporting Countries o OPEC.

Naging pangako ng Saudi na babawasan ng hanggang apat na porsiyento ang kanilang ipino-produce na langis na umaabot sa 10.6 milyong bariles bawat araw.
Ilan sa mga makakaramdam ng dagdag presyo ng langis ay ang mga Asian refiners na kinakailangang magbayad ng karagdagang isang dolyar kada bariles.

Gayunman, inaasahang wala namang gaanong magiging epekto ang price increase sa mas malawak na oil market.

Bihira ang pagtataas ng presyo ng Saudi Aramco dahil kalimitang nag-aadjust ito ng presyo depende sa market conditions ng mga lugar kung saan ito nagbebenta ng kanilang langis.

Read more...