Maria Sharapova, nagpaka-busy sa boxing training habang naka-ban sa paglalaro ng tennis

 

maria sharapova french-open wallpaper
maria sharapova french-open wallpaper

Hindi nagpaka-lugmok si Maria Sharapova sa kasagsagan ng kaniyang doping ban, at ginawa na lang niyang abala ang kaniyang sarili sa iba pang mga gawain.

Sinamantala ni Sharapova ang ilang buwan niyang pamamahinga dahil sa pag-positibo sa ipinagbabawal na substance, sa pamamagitan ng pag-aaral sa Harvard at pagsusulat ng libro.

Bukod dito, ibinunyag ni Sharapova na nag-aral rin siyang mag-boksing dahil kailangan niyang panatilihin ang magandang kondisyon ng kaniyang pangangatawan.

Pabiro pang sinabi ni Sharapova na naging maganda ang kaniyang training sa boxing dahil ini-imagine niya ang mga taong gusto niyang suntukin.

Hindi naman na tinukoy ng tennis star kung sino ang mga iniisip niyang target sa kaniyang boxing training.

Matatandaang na-ban si Sharapova sa paglalaro matapos siyang magpositibo sa meldonium noong 2016 Australian Open.

Samantala, babalik naman na sa aksyon si Sharapova sa Stuttgart claycourt tournament sa April 26, dahil pinutol ang kaniyang two-year ban at ginawa na lang 15 months.

Read more...