Retired judge, patay sa pananambang sa Surigao

 

Malapitang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang retiradong judge ng Regional Trial Court sa Surigao kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang 70-anyos na biktima na si Victor Canoy na bumili lang ng pagkain sa karinderya malapit sa kaniyang tahanan nang bigla siyang lapitan ng dalawang suspek.

Agad siyang binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo, na siya namang ikinasawi ni Canoy.

Isang pulis naman na malapit sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang nakapansin sa ginawa ng dalawang suspek at pinaputukan ang mga ito ngunit isa lang sa mga ito ang tinamaan at nakatakas pa rin.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang posibleng motibo ng pagpatay sa dating huwes at kung sino ang mga nasa likod ng krimen na ito.

Read more...