Tinapos na ng Department of Justice ang kanilang preliminary investigation sa pagkakapatay kay Albuera, Leyter Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang inmate sa Leyte Sub-Provincial Jail noong Nobyembre 5.
Magdedesisyon na lamang ang five-man panel of prosecutors kung iaakyat nila sa korte ang kaso laban sa mga pulis at respondents sa reklamo.
Sa huling pagdinig, natanggap na ng panel ang counter-affidavits ng mga respondent sa reklamong kriminal na inihain ng anak ng napatay na alkalde na si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.
Present sa naturang hearing ang ilan sa dalawampu’t limang respondents kabilang na sina Supt. Marvin Marcos, dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Eastern Visayas at Police Chief Inspector Leo Laraga na siyang bumaril kay Espinosa sa loob ng kanyang selda hanggang sa mamatay.
Depensa ni Laraga, nagsagawa sila ng search operation sa selda ni Espinosa dahil isang valid na search warrant ang inisyu ng CIDG Eastern Visayas na mula kay Samar Regional Trial Court Branch 30 Judge Tarcelo Sabarre Jr.
Nakasaad aniya sa search warrant na patuloy pa rin umanong nagbebenta ng iligal na droga si Espinosa habang nakakulong at mayroon itong itinatagong baril sa kanyang selda.
Ang pagkakabaril aniya kay Espinosa ay self-defense lang dahil binaril umano siya ng alkalde habang ginagawa lamang ang kanyang tungkulin na isilbi ang search warrant.
Sinabi naman ni Marcos na gumaganti lamang si Kerwin sa mga pulis na naghain ng kasong possession of illegal drugs and firearms laban sa kanya at kay Mayor Espinosa sa isang korte sa Leyte noong nakaraang August 2016.
Iginiit ni Marcos na ang mga alegasyon aniya ni Kerwin laban sa kanya at kapwa respondents ay dulot lamang ng galit at paghihiganti.
Matatandaang sinabi ng NBI na rubout ang nangyaring pagpatay kay Espinosa at sa inmate nito na si Raul Yap sa loob mismo ng kanilang selda sa Baybay City Sub-Provincial Jail.
Pero sa kabila ng findings ng NBI, nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaan ang mga pulis na makulong