Tuloy pa rin ang pagtitiwala ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ay kahit na binawi na ng NPA ang ideneklarang unilateral ceasefire sa pamahalaan at tatagal na lamang ng hanggang February 10.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat sana ay natitiyak din ng liderato ng komunistang grupo ang galaw ng kanilang mga tao sa ground.
Habang nag-uusap ng tungkol sa kapayapaan ang pamahalaan at mga lider ng CPP-NPA-NDF ay dapat namang magbaba ng baril ang mga kasapi ng NPA.
Sa kanilang panig, sinabi ng pamunuan ng Arned Forces of the Philippines na sila ay naka-alerto kaugnay sa mga inaasahang pag-atake ng komunistang grupo.
MOST READ
LATEST STORIES