Mga nawawalang sundalo sa Bukidnon natagpuang patay

Malaybalay-City.8Tatlong mga bangkay ng mga sundalo na naiulat na nawawala ang natagpuan sa may Sitio Kaleb, Brgy. Kibalabag, Malaybalay City sa lalawigan ng Bukidnon.

Ayon kay C/Insp. Alfredo Ortiz, hepe ng pulisya sa  Malaybalay City, naiulat na nawawala ang tatlo alas-tres ng hapon kahapon.

Ayaw pang ibigay ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga sundalo na umanoy kabilang sa Bayanihan Team Activity o BTA.

Sa ulat, kukuha lamang ng kanilang subsistence allowance ang tatlo kahapon pero sila ay dinukot ng mga pinaniniwalaang rebeldeng NPA.

Wala rin umanong dalang armas ang mga naka-sibilyan na biktima nang sila’y dukutin.

Naging kalunos-lunos rin umano ang paraan ng pagpatay sa mga biktima makaraang tadtarin ng mga tama ng bala ang kanilang mga katawan.

Read more...