Ika-31 anibersaryo ng EDSA revolution, pinaghahandaan na ng Malakanyang

people power
FILE PHOTO

Ngayon pa lamang pinaghahandaan na ng Malakanyang ang paggunita sa EDSA People Power Revolution sa February 25, 2017.

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Sec. Salvador Medialdea para pamunuan ang preparasyon sa ika-31 anibersaryo ng EDSA revolution.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang magiging tema ng paggunita ngayong taon ay “A Day of Reflection: Celebrating People Power.”

“We mark this year’s celebration of the EDSA People Power Anniversary on the 25th of February as “A Day of Reflection: Celebrating People Power.” Executive Secretary Salvador Medialdea chairs this year’s event,” ayon sa pahayag ni Abella.

Bagaman naitalaga na si Medialdea bilang chairman ng event ngayong taon, pag-uusapan pa naman aniya kung sino ang magiging co-chair nito mula sa pribadong sektor.

 

Read more...