Truck, nasunog sa Buendia-Osmeña flyover, nagdulot ng matinding traffic

Kuha ni Jay Dones
Kuha ni Jay Dones

Maagang naperwisyo ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng Buendia- Osmeña flyover sa Makati City.

Ito ay dahil sa nasunog na gulong ng isang truck pasado alas 6:00 ng umaga.

Ayon kay Mark Seriola ng Makati traffic, mabilis namang nahila ang truck na nasunugan ng gulong pero kinailangan pang linisin ang lugar na pinangyarihan ng sunog para matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang daraan.

Dahil sa nasabing insidente, naperwisyo ang mga motorista na patungo sa South Luzon Expressway.

Inaalam pa ng Makati Traffic at Makati Fire Department kung ano ang naging sanhi ng pagliliyab ng gulong ng nasabing truck.

 

Read more...