Warehouse ng motor parts, nasunog sa Malabon

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naganap sa isang residential/warehouse sa Potrero, Malabon.

Naganap ang sunog sa Gladiola Street kanto ng Rosal Street sa nasabing barangay.

Ayon kay Fire Chief Insp. Jay Bernard Peñas, ground commander ng Malabon Fire Department, ang warehouse ng motor parts ay pagmamay-ari ni Allan Su.

Pero isang Samuel Sy na may-ari naman ng “Sy Ying Trading” ang umuupa sa warehouse.

Sa imbestigasyon pasado alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules (February 1) nang magsimula ang sunog.

Naideklara itong fire out pasado alas dose na ng madaling araw ng Huwebes (February 2).

Inaalam pa rin ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Tinataya namang nasa P1 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.

 

Read more...