Low Pressure Area sa silangan ng Mindanao, posibleng pumasok sa bansa ngayong araw

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok ito sa bansa ngayong umaga ngunit hindi naman inaasahang tatama ito sa kalupaan.

Dahil sa buntot ng nasabing LPA, magiging maulan ngayong araw sa Mindanao.

Habang makararanas din ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon dahil sa Amihan.

Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos, Cordillera at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Habang bahagyang maulap na papawirin lamang na mayroong isolated na rainshowers ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang naranasang pag-ulan kahapon sa Metro Manila ay dahil sa thunderstorm.

Ngayong umaga ay mas mababa umano ang posibilidad ng pag-ulan sa Metro Manila pero mas mataas ang tsansa ng pag-ulan sa hapon at gabi.

 

 

Read more...