Ayon kay dela Rosa, unang-una, wala silang pondo para sa nasabing akusasyon at kung totoo man may nagbabayad, labas na dito ang PNP.
Kasunod nito, hinamon ni Dela Rosa ang Amnesty International na ilabas ang source na pulis na nagkwento ng nasabing alegasyon at dalhin sa Ombudsman para pormal na makapagsampa ng reklamo.
Mahirap aniyang paniwalaan ang mga source lang na pulis na walang pangalan.
Dahil dito giit ni General dela Rosa na isa na naman itong paninira sa administrasyong Duterte.
Sa report ng Amnesty International may isa umanong SPO1 ang nagkwento na nagbabayad ang PNP ng 8 libo hanggang 15 libong piso sa kada drug suspek na mapapatay ng pulis.