Higit 61,000 residente, apektado pa rin ng pagbaha sa Caraga

 

Inquirer file photo

Umaabot sa mahigit 61,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center sa Butuan City isang linggo matapos na bahain ang malaking bahagi ng Caraga region nitong nakaraang linggo.

Ilang araw na nakaranas ng malakas na ulan resulta ng tail end of cold front at low pressure area ang naturang rehiyon na nakaapekto sa lebel ng tubig sa Agusan river.

Karamihan sa mga apektadong pamilya ay mula sa 19 na bayan sa Agusan Del Sur at Agusan Del Norte.

Nagpapatuloy naman ang pagbibigay tulong ng DSWD sa nasa 61,280 katao na namamalagi sa may 208 evacuation center.

Ayon sa Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, umaabot sa P173.7 milyon ng pananim at livestock ang nasira ng matinding pagbaha.

Read more...