Panelo, pupuntang Korea para humingi ng tawad sa Jee slay case

 

Inquirer file photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magtungo sa South Korea.

Ito ay para humingi ng paumanhin sa mga koreano matapos dukutin at patayin ng mga pulis ang negosyanteng si Jee Ick Joo.

Bilin ng pangulo kay Panelo, humingi ng sinserong paumanhin sa mga koreano .

Ayon sa pangulo, labis na nasaktan at nabastos ang mga koreano nang i-flush sa inidoro ang mga abo ni Jee. Ipina-cremate muna si Jee bago i-flush sa inidoro ang mga abo.

Matatandaang personal nang humingi ng paumanhin ang pangulo sa biyuda ni Jee at maging sa ambassador ng Korea nang magpulong sila sa malakanyang.

Read more...