Ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) lead convenor Secretary Liza Maza, inutusan na ng pangulo ang PAGCOR na direktang tulungan ang mahihirap sa pamamagitan ng paglalaan ng pera para sa kanila.
Base sa mga ulat, umaabot sa P5.576 billion ang kabuuang kita ng PAGCOR mula sa kanilang mga electronic gaming sites noon pa lamang third quarter ng 2016.
Nilinaw naman ni Maza na hindi sila isang implementing agency, kundi isang komisyon na nakatalaga para makipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa pagsusulong ng anti-poverty strategy.
Tungkulin rin aniya nilang bantayan at suriin ang mga proyekto ng pamahalaan para sa pag-laban sa kahirapan.